🌸 Leni Robredo & Kiko Pangilinan🌾
From Leni’s Platform:
Gawing sentro ng climate industry ang Pilipinas. Sa pagtutok sa sustainable at mas modernong practices sa agrikultura at pagtatayo ng green at resilient na imprastruktura, makakalikha tayo ng trabaho.
- Isulong ang green transport. Gagawin nating mas karaniwan ang mge e-jeep, e-tricycle, at iba pang sustainable na sasakyan. Sa gayong paraan, makakabuo tayo ng bagong industriya na nakatutok sa maintenance, pag-manufacture, at pagbebenta ng mas climate-friendly na transportasyon. Maaabot natin ito sa pamamagitan ng pagbigay ng karampatang supporta mula sa pamahalaan sa mga maapektuhan ng transisyon.
- Suportang teknikal para sa mga LGU para maging haligi ng kanilang mga local development plan ang green development.
- Magbuhos ng investment sa climate resilient na agrikultura, sa anyo ng climate smart agriculture infrastructure at climate resilient inputs. Sisiguruhin nating aabot sa mga komunidad sa laylayan ang pautang at iba pang mekanismong pinansyal para makasabay at makatugon sila sa climate change. Mula dito, lalago ang ani nila, makakapagproseso sila ng higher value na produkto, at magkakaroon sila ng proteksyon mula sa epekto ng nagbabagong klima.
- Bumuo ng transition framework tungo sa paggamit ng mas malinis na teknolohiya sa sektor ng enerhiya upang makalikha ng green jobs.
***Kiko’s Achievements (wrt Sustainability, Biodiversity & Environment)***
- 2.6 milyong puno ang nasagip mula sa pananalasa ng cocolisap
- Food security measures through agricultural projects
- Protection of small fishermen


Others sources (articles, interviews, etc)